Mga magtatapos ng senior high school,hinimok na i- avail ang libreng matrikula at iba pang benepisyo na iniaalok ng Gobyerno
Hinimok ni Senador Sonny Angara ang mga kabataang magtatapos sa Senior High-school na samantalahin ang mga Educational assistance na iniaalok ng gobyerno para makapagtapos ng kolehiyo.
Paalala ni Angara, isa sa may akda ng Free Education Law, may tyansa nang makapasok sa kolehiyo ang mga high school graduate kahit pa nasa pinaka mahirap na pamilya dahil libre na ang matrikula sa mga State Colleges and Universites.
Kahit sino aniya basta’t may ambisyong makatapos ng pag-aaral, puwedeng maka-graduate, kung mag aaral na mabuti.
Sa Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act na mas kilala bilang Free College Law, libre na ang matrikula at miscellaneous fees sa may 112 SUC’s sa bansa gayundin sa lahat ng pampublikong technical-vocational schools.
Sinabi ni Angara na ngayong taon, umaabot sa 45 billion ang inilaan ng gobyerno para sa libreng matrikula.
Ulat ni Meanne Corvera