Mga magulang na magpapabakuna ng mga anak inirekomendang mabigyan ng incentives
Hinimok ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Health (DOH) na magbigay ng incentives sa mga magulang para mahikayat na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Sa harap ito ng ulat na umabot na sa mahigit 21,000 ang kaso ng measles o tigdas.
Sinabi ni Hontiveros, Vice-chair ng Committee on Health na maaaring magbigay ng incentives gaya ng food vouchers, discount sa gamot o kaya’y tax credits.
Inihalimbawa nito ang bansang australia na nagbibigay ng tax incentives sa mga pasyente at doktor kaya regular din ang pagpapabakuna sa mga bata.
Marari rin naman aniyang katulungin ng gobyerno ang mga telecommunications companies para sa libreng load kapalit ng pagpapabakuna.
Iginiit ni Hontiveros na dapat doblehin ng gobyerno ang mga hakbang lalo na sa mga mahihirap na komunidad.
Senador Hontiveros:
“While educating people about the benefits of vaccination is our top priority, these proposals are worth studying and exploring. As we double our efforts to increase our vaccination coverage, especially in urban poor localities and far-flung areas where children are prone to preventable diseases, we must also be creative in employing new strategies”.
Ulat ni Meanne Corvera