Mga magulang ni Reynaldo de Guzman, inalok ng DOJ na mailagay sa WPP
Inalok ng DOJ na ilagay sa provisional coverage ng Witness Protection Program ang mga magulang ng labing- apat na taong gulang na si Reynaldo de Guzman na natagpuang tadtad ng saksak ang katawan sa Gapan, Nueva Ecija.
Si de Guzman alyas kulot ang sinasabing nakasama ni Carl Angelo Arnaiz nang ito ay mapatay ng mga pulis matapos mangholdap at manlaban noong August 18.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, may impormasyon siya na natatakot ang mga magulang ng binatilyo kaya handa nilang isailalim ang mga ito sa WPP coverage.
Handa rin ang kalihim na mamagitan kung nais ng mga magulang ni de Guzman na makausap si Pangulong Duterte para hilinging personal na mabigyan ng hustisya ang pagpatay sa kanilang anak.
Ulat ni: Moira Encina