Mga magulang ni Reynaldo de Guzman isinailalim na ng DOJ sa WPP
Isinailalim na ng DOJ sa provisional coverage ng Witness Protection Program ang mga magulang ng binatilyong si Reynaldo de Guzman na natagpuang patay sa Gapan, Nueva Ecija.
Ito ang kinumpirma ni Public Attorney’s Office Chief Atty. Percida Acosta na tumutulong sa pamilya sa aspetong legal para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni de Guzman na tadtad ng saksak ang katawan
Ayon kay Acosta, ipoproseso nila na mailagay sa permanent coverage ng WPP sina Eduardo at Lina Gabriel pagkatapos mailibing ang anak ng mga ito sa susunod na linggo.
Ang menor de edad ang sinasabing huling nakasama ni Carl Angelo Arnaiz nang gabi na ito ay mapatay ng mga pulis matapos umanong mangholdap.
Samantala, kinumpirma rin ni Acosta na nasa full coverage na ng WPP ang mga magulang ni Arnaiz na sina Carlito at Eva.
Ilan sa mga benepisyo na tatanggapin ng mga nasa WPP ay safehouse, security, monthly allowance at livelihood.
Ulat ni: Moira Encina