Mga mahihirap na estudyante tiyak na makikinabang sa nilagdaang batas ng pangulo para sa libreng tuition fee
Umani ng papuri mula sa mga Senador ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos lagdaan ang batas na magbibigay ng libreng matrikula sa mga mag aaral sa mga State Colleges at Universities sa buong bansa.
Ayon kay Senador Sonny Angara, isang landmark ang ginawa ng Pangulo dahil nangangahulugan ito ng investment sa edukasyon.
Nanindigan aniya ang Pangulo kahit pa pinayuhan na ito ng mga economic manager na hindi kakayanin na balikatin ang isandaang milyong pisong magagastos sa matrikula.
Naniniwala si Angara na kung bawat mahirap na pamilya ay magkakaroon ng isang college graduate malaki ang kanilang magiging ambag sa ekonomiya.
Para naman kay Senador JV Ejercito, isang magandang investment ang ginawa ng Pangulo na human resources.
Ulat ni: Mean Corver