Mga major transport hub sa bansa ligtas ayon sa DOTr

 

Siniguro ng Department of Transportation (DOTr) na ligtas ang mga pampublikong sasakyan sa buong bansa kasunod nang  nangyaring insidente sa Resorts World.

Ayon kay Transportation Undersecretary Art Evangelista hinigpitan din  nila ang seguridad sa mga major transport hub.

Naghigpit na rin ng seguridad ang Philippine Coast Guard at nagdeploy ng mga K-9 unit para madetect ang mga explosive device at narcotics sa mga vessel.

Ayon kay Commodore Joel Garcia ng Philippine Coast Guard (PCG) ipinatutupad din nila ang parehong seguridad na ginagawa sa mga airport.

Pinatutupad na rin ng Light Rail Transit Authority ang mahigpit na seguridad sa kanilang mga tren.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *