Mga manggagawa na pasok sa A4 list na prayoridad mabakunahan inilatag ng NEDA

Courtesy of Wikipedia.org

Sa oras na dumating na ang mga bagong batch ng bakuna, nakalinya ng mabakunahan kontra covid 19 ang mga nasa A4 priority list ng gobyerno.

Ang mga nasa A4 ay mga tinatawag na essential workers, na tuloy parin sa trabaho sa kabila ng nagpapatuloy na pandemya.

Pero ayon kay National Economic and Development Authority o NEDA Usec. Rosemarie Edillon, hindi lahat ng mga manggagawa ay kabilang sa A4.

Batay sa inaprubahang listahan ng Inter Agency Task Force Against Covid 19, kabilang sa A4 ang mga sumusunod:

– commuter transport (land, air, and sea) including logistics

– Frontline government workers in justice, security, transport and social protection sectors

– Public and private wet and dry market vendors; frontline workers in grocery, supermarkets; delivery services

– Workers in manufacturing for food, beverage, medical and pharmaceutical products

– Frontline workers in food retail, including food service delivery

-Frontline government workers

-Frontline workers in Financial Services

– Teaching and related personnel in medical and allied medical courses of HEIS, including personnel handling laboratories

– Frontline workers in hotels and accommodation

– Priests, Pastors, religious leaders regardless of denomination- Construction workers in government infrastructure projects

– Security guards/personnel assigned in the establishments, offices, agencies, and organizations identified Table 1

OFWs not classified above and scheduled for deployment within 2 months. Ipinaliwanag ni Edillon na ang ginawang pagpili sa mga nakabilang sa listahan ay depende sa antas ng kanilang interaksyon sa publiko o mas maraming tao.

Nilinaw naman ni Health Usec. Ma Rosario Vergeire na hindi p kabilang sa A4 ang mga nasa media pagkat sila ay nasa B sector.

Pinayuhan naman ni Vergeire ang mga kumpanya o establisyimento na kabilang sa A4 na simulan na ang masterlisting ng kanilang mga empleyado na pasok sa nasabing kategorya.

Paalala naman ng NEDA, mga nasa frontline lang ang dapat prayoridad makasama sa listahan.

Ayon kay Edillon, kung mapapaaga ang dating ng bakuna posibleng masimulan ang vaccination program sa essential workers sa Mayo.

Pero maaaring mausog aniya ito hanggang Hulyo.

Please follow and like us: