Mga manggagawa sa Northern Mindanao, tatanggap ng dagdag sahod
Makakatanggap ng dagdag sahod ang mga manggagawa sa pribadong sektor sa Region 10 o Northern Mindanao.
Ipinatupad ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang umento sa sahod simula noong July 16.
Sa ilalim ng Wage Order No. 19 ng RTWPB Region 10, kinse pesos ang dagdag sahod para sa mga manggagawa na nasa Wage Category 1; trese pesos naman para sa Category 2; sampung piso naman para sa Category 3 at otso pesos naman para sa Category 4.
Sakop ng Wage Category 1 ang mga lungsod ng Cagayan de Oro at Iligan, at mga bayan ng Tagoloan, Villanueva at Jasaan kung saan ang bagong minimum wage ay 333 -pesos para sa mga non-agriculture workers at 321-pesos naman para sa mga agriculture workers.
Nasa Wage Category 2 ang mga Lungsod ng Malaybalay, Valencia, Gingoog, El Salvador at Ozamiz, at ang munisipalidad ng Opol, Maramag, Quezon at Manolo Fortich kung saan ang bagong minimum wage ay 326-pesos para sa non-agriculture workers at 314-pesos naman para sa agriculture workers.
Sa ilalim ng Wage Category 3 , ang mga Lungsod ng Oroquieta at Tangub, at ang mga bayan ng Lugait, Laguindingan at Mambajao kung saan ang bagong minimum wage para sa non-agriculture sector ay 318-pesos at para naman sa non-agriculture sector ay 306 pesos.
Nasa Wage Category 4 naman ang nalalabing mga lugar sa Northern Mindanao kung saan ang bagong minimum wage ay 311-pesos para sa non-agriculture sector at 299-pesos naman para sa agriculture sector.
Sa lahat ng wage categories, madaragdagan pa ang halaga ng minimum na sweldo ng mga manggagawa roon dahil ang limang piso na cost of living allowance o COLA ay isasama na sa kanilang basic wage umpisa sa December 1, 2017.
Ulat ni: Moira Encina