Mga manggagawang apektado ng COVID pandemic makakatanggap pa rin ng tulong sa Gobyerno sa susunod na taon
Makakatanggap pa rin ng tulong pinansyal ang mga manggagawang naapektuhan at nawalan ng trabaho dahil sa COVID- 19 pandemic.
Ayon kay Senator Sonny Angara na Chairman ng Senate finance committee, nagkasundi ang mga Senador at Kongresista na maglaan ng pondo sa Department of labor and employment sa ilalim ng 2021 budget para sa mga nawalan ng trabaho.
Nakapaloob ito sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged O TUPAD Program at Government Internship Program.
Doble aniya ang pondo para dito dahil mula sa 9.93 billion pesos, ginawa itong 19.036 billion pesos sa final version ng General Appropriations Bill.
Ang TUPAD ay isang community-based assistance para magbigay ng Emergency employment sa mga nawalan ng trabaho na maaring tumagal mula 10 hanggang 30 days depende sa klase ng trabaho.
Meanne Corvera