Mga manggagawang Pilipino kinilala ni Pangulong Duterte sa Labor day Celebration
Binigyang pugay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga manggagawang Pinoy ngayong pagdiriwang ng labor day.
Sa kanyang mensahe sinabi ng Pangulo na kanyang kinikilala ang mga Filipino workers sa kanilang serbisyo sa lipunan sa gitna ng nararanasan pa ring health crisis dulot ng pandemya ng COVID 19 na nagpalugmok sa ekonomiya sa buong mundo.
Muli ring pinasalamatan ng Pangulo ang mga health workers at essential frontliners dahil sa patuloy nilang dedikasyon upang masigurong hindi mahihinto ang pagbibigay ng serbisyong medikal ngayong panahon ng pandemya.
Tiniyak naman ng Pangulong na patuloy ang gobyerno upang mapangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa, maipursige ang security of tenure at iba pang proteksiyon na para sa mga obrerong Pinoy kasama na ang mga nagtatrabaho sa abroad.
Hinikayat din ng Pangulo ang mga kinauukulan na maging katuwang ng pamahalaan sa pagbuo ng mas malakas na lipunan na mamanahin ng mga susunod na henerasyon.
Vic Somintac