Mga Mangingisda na apektado ng Chemical Spill pinagbawalang Pumalaot
Dahil sa nangyaring Chemical Leak pinagbawalan muna ang mga mangingisda na makapalaot sa baybayin ng barangay San Miguel sa Bauan, Batangas .
Nasa maayos na kalagayan naman ang mga residente subalit may mga pagkakataon pa rin na naaamoy ng mga residente ang Chemical Spill sa karagatan bagamat kontrolado na ang sitwasyon.
Ayon sa Coast Guard PO1 Junior Layosa- Substation Commander ng Bauan Batangas, umabot sa 6,000 square meters ang kemikal na Naptha na ginagamit daw sa produksiyon ng pintura ang kumalat sa coastal area ng nasabing barangay.
Itinuturo ang isang Impex Philippine Company Inc. na siyang responsable sa Chemical Spill.
Ang LGU ng Bauan Batangas patuloy na nagsasagawa na rin ng imbestigasyon at ang Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Enviroment and Natural Resources (DENR) sa insidente.
Inaantabayanan ngayong Linggo ang resulta ng Laboratory Test ng tubig sa Brgy. San Miguel na nagpapatuloy naman ang monitoring ng Philippine Coast Guard sa baybayin nitong karagatan.
Ang inirereklamong kumpanya na naging sanhi ng Spill ay patuloy namang nakikipagtulungan sa mga awtoridad at nagbigay na din ng tulong sa mga apektado residente.
Earlo Bringas