Mga mangingisda na nakaligtas sa nangyaring pagbangga ng Oil Tanker na Pacific Anna humarap sa Senado
Humarap sa pagdinig ng Senado ang mga mangingisda na nakaligtas sa nangyaring pagbangga ng oil tanker na Pacific Anna sa Bajo de Masinloc noong October 2 kung saan tatlong mangingisda ang namatay
Sa pagdinig ng Senate Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones, sinabi ng mga survivor na tila head on collision ang nangyaring pagbangga sa kanilang bangka
Ayon kay Jonny Manlolo nanghuhuli sila ng pain sa mother boat alas 4 ng madaling araw nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Pero nang tumigil ang ulan nagulat sila nang biglang sumulpot at bigla silang sinalpok ng isang malaking barko
Duda si Manlolo na aksidente ang nangyari gaya ng sinasabi ng Philippine Coast Guard dahil equip ang malalaking barko ng radar na kayang matukoy kahit ang maliliit na bangka na maaari nitong tamaan.
Bukod dito malakas ang kanilang tatlong ilaw na kayang ma-detect kahit apat na kilometro pa ang layo sa anumang sasakyang pandagat.
“Umulan ng malakas sir pumasok mga kasama ko sa loob ng bangka, iba nagluluto, iba nagkakape pagkatapos po mahaba-haba ulan mga 4:20 am doon na kami nasalpok ng barko – may ilaw po kami bombilya led tatlo ang gumagana.” kwento ni Jonny Manlolo
Sa lakas ng impact, tumaob ang sinasakyan nilang bangka
Ang ibang kasamahan nakatalon pa sa bangka pero ang tatlong kasamahan dead on the spot
“Nakasisid po ako nasa loob po ako Senator pero nakasisid ako ” kwento naman ni Reymark Bautista “Napunta po ako Senator sa ilalim sa may makina po. Sumisid ako palabas. Paglabas ko yung isa naming kasamahan wala na po, paglabas ko po nakalutang na eh.” Kwento ni Mandy An
Pero nang makalutang sila, malayo na ang barko na papuntang southwest ng bahagi ng dagat.
Umabot pa ng bente kuwatro oras bago naireport ng mga mangingisda sa mga otoridad dahil maliit na bangka lang ang kanilang ginamit pabalik sa pangasinan
“Napagkasuduan na hanapin sa loob nung nakita po namin nag-ready gasolina para pang uwi sa tabi – sinisid”. kwento ni Michael An
Ayon sa Philippine Coast Guard, hindi pa nila natutunton at nakakausap ang mga tripulante o sinuman sa Pacific Anna dahil patuloy ang paglalayag nito na sa kanilang huling impormasyon ay nasa myanmar na.
Tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs na handa silang tumulong para makipag-ugnayan at mapapanagot ang kapitan o tripulante ng oil tanker
Ang senado ay nagsagawa ng pagdinig para lumikha ng batas ukol sa Archipelegic Sealanes ng bansa
Meanne Corvera