Mga mangingisda na pumapalaot sa West Philippine sea pinag iingat ng Malakanyang
Hinihimok ng Malakanyang ang mga mangingisdang pinoy na pumapalaot sa West Philippine sea na maging maingat.
Ito ang inihayag ng Malakanyang matapos ang insidente ng banggaan ng chinese fishing vessel at bangka ng mga filipinong mangingisda sa Recto bank.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo dapat na ipagbigay-alam ng mga mangingisda sa mga awtoridad kapag mayroong makikitang unusual sa West Philippine sea na maaring malagay sa alanganin ang kanilang kaligtasan.
Sinabi ni Panelo na hinihintay pa ng Malakanyang ang tugon ng China kaugnay sa inihaing diplomatic protest ng Pilipinas.
Niliwanag ni Panelo hindi pinupulitika ng Malakanyang ang insidente sa Recto bank nang maghain ng diplomatic protest bagkus ay dismayado lamang dahil sa pag abandona ng Chinese crew sa mga Pilipinong mangingisda sa gitna ng karagatan.
Ulat ni Vic Somintac