Mga mangingisda ng Aurora, nakatanggap ng tulong pangkabuhayan
Higit 25-milyong pisong halaga ng agri-based livelihood assistance ang ipinagkaloob ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sa mga mangingisda sa Aurora.
Pinangunahan ni BFAR Regional Director Wilfredo Cruz ang pagbibigay tulong sa mga mangingisda sa Baler at San Luis.
Ayon kay Cruz, ang tulong pangkabuhayan ay nasa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act, kung saan kasama sa package ang dalawang commercial fishing boat na kumpleto sa kagamitan, at 157 life vest.
Kasama rin sa ipinimahagi ang apat na bangus livelihood cages na nagkakahalaga ng 820-libong piso, na ibinigay sa tatlong samahan ng mangingisda at isang kooperatiba sa Baler.
Ito ay nagmula sa isang regular na pondo sa ilalim ng Production Support Service ng DA-BFAR.
Ulat ni Daceryll Rivera