Mga may Epilepsy, mahalagang napagtutuunan ng pansin lalo na ng mga mahal sa buhay, ayon sa mga eksperto
Ayon sa mga Neurologist, pangalawa ang sakit na Epilepsy o himatay sa stroke na pinaka karaniwang ikinukonsulta sa mga eksperto.
Hindi lamang sa aspetong medikal may pangangailangan ang mga taong Epileptic.
Nararanasan ng mga taong Epileptic ang suliranin sa edukasyon, paghahanap ng trabaho, pagtanggap ng lipunan at kung minsan ay sobrang kahirapan.
Ang Epilepsy ay isang pinsala o sakit sa utak na ang activities ng mga nerve cells ay nagagambala na nagiging sanhi naman ng tinatawag na seizure at ang mga pasyenteng nakararanas nito ay kinakikitaan ng abnormal na pagkilos, sensations at pagkawala ng malay.
Kabilang sa sanhi ay genetic influence o maaaring tumakbo sa pamilya o lahi, at maaari rin namang makuha o acquire.
Sinabi pa ni Dra. Leonor Cabral-Lim, Professor of Neurology at chair, Department of Neurosciences, UP-PGH Medical Center na kabilang sa maaaring maging sanhi ng Epilepsy ay head trauma bunga ng aksidente, kundisyon ng utak, mga nakahahawang sakit tulad ng meningitis, AIDS at viral encephalitis, at Prenatal Injury.
Ulat ni: Anabelle Surara