Mga Medical Frontliner sa General Trias City Cavite, nakatanggap na ng Covid 19 Vaccine
Nakatanggap na ng bakuna kontra Covid 19 ang nasa 120 medical frontliners ng City of General Trias Doctors Medical Center.
Ito ay matapos na dumating sa lungsod ang nasa 184 vials ng mga bakunang Aztra-zenica na ipinagkaloob ng Dept. of Health.
Bago bakunahan ang mga medical frontliners ay sumailalim muna ang mga ito sa health check up at medical screening kung naaangkop ba sa kanila ang bakunang ipagkakaloob ng DOH.
Bukod sa Covid 19 Vaccine na ipinagkaloob ng DOH at ng City Gov’t of General Trias Cavite sa mga medical frontliner ay namigay din ang office of the Mayor ng libreng mga Vitamins sa lahat ng nabakunahan.
Umaasa naman si General Trias City Mayor Ony Ferrer na sa pamamagitan ng Covid 19 Vaccine na ipinagkaloob sa kanila ng national Gov’t ay mahihikayat din ng mga opisyal ang publiko na magpabakuna laban sa virus nang sa gayon ay unti unti nang bumalik sa normal ang pamumuhay ng mga taga General Trias City at lumakas at sumiglang muli ang ekonomiya ng lungsod.
photo courtesy: city gov’t of general trias