Mga militanteng kongresista at aktibista naghain na rin ng petisyon vs Martial Law

sc

Courtesy of Wikipedia.org

Isa pang petisyon ang inihain sa Korte Suprema na humihiling na ipawalang-bisa ang deklarasyon ni Pangulong Duterte ng Martial Law sa Mindanao.

Ang mga petitioner ay binubuo ng mga militanteng kongresista, mga labor leaders at human rights activist.

Iginiit nila na dapat ideklara ng Supreme Court na labag sa konstitusyon ang Proclamation 216 ni Duterte dahil sa kawalan ng factual basis.

Nabigo anila ang respondents na mapatunayan na may sapat na batayan na ang rebelyon o mga katulad na insidente sa Marawi City ay sabay na nangyayari sa iba pang bahagi ng Mindanao.

Unwarranted at unjustifiable ang batas militar sa banta ng Maute at Abu Sayyaf group.

Kaugnay nito, hiniling din nila na makalahok ang kanilang abogado sa oral arguments sa June 13 hanggang 15 kaugnay sa parehong petisyon na inihain ng grupo ng opposition Congressmen.

Respondents sa petisyon sina Duterte, Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Secretary at Martial Law Administrator Delfin Lorenzana, AFP Chief of Staff at Martial Law Implementor Eduardo Año, at pPNP Chief Ronald dela Rosa.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *