Mga militanteng manggagawa ng gobyerno, nag-rally sa harap ng DBM sa Malacañang complex para salary increase
Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang militanteng manggagawa ng gobyerno sa harap ng tanggapan ng Department of Budget and Management o DBM sa Malakanyang Complex.
Ang kilos protesta ay pinangunahan ng grupong Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees o COURAGE.
Hinihiling ng grupo sa Malakanyang na suportahan ang pagsusulong ng National Minimum Wage na 16,000 pesos kada buwan sa halip na legislated Salary Standardization Law.
Ayon sa grupo hindi sapat ang taas sahod ng mga manggagawa ng gobyerno na idinaan sa Salary Standardization Law.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: