Mga miyembro ng Execom ng Philhealth, pinagbibitiw na rin
Hinamon ni Senador Panfilo Lacson ang mga miyembro ng Executive Committee ng Philhealth na bakantihin na rin ang kanilang puwesto.
Sinabi ni Lacson na dapat gayahin ng mga miyembro ng Execom ang ginawa ng anim na Regional Vice-President na binakante muna ang kanilang posisyon.
Iginiit ni Lacson na paulit-ulit ang alegasyon ng anomalya tulad ng advance payment at overpricing sa information technology equipment pero hindi matapos ang imbestigasyon dahil nakaupo pa ang mga opisyal.
Kung babakantehin muna aniya ng mga miyembro ng Execom ang kanilang posisyon, maiibsan ang mga pagdududa na makompromiso ang integridad ng mga record at incriminating documents dahil sa patuloy silang magkakaroon ng access sa mga files ng Philhealth.
Mismong ang Department of Justice na aniya ang umaapila na mag-leave muna ang mga opisyal dahil hirap pati ang National Bureau of Investigation (NBI) na ma-access ang mga mahahalagang dokumento.
Senador Ping Lacson:
“The RVP’s have shown the way. The members of the Execom should immediately follow and vacate their offices right away since they are the ones at the center of recurring controversies involving massive corruption in the illegal implementation of an otherwise working program of Philhealth called IRM which is designed only to rebuild hospitals hit by “fortuitous events” but which the new management under PCEO Morales polluted apparently to serve their own interests, not to mention the grossly overpriced it equipment as well as other anomalies exposed in the ongoing senate committee of the whole inquiry”
“Vacating their posts would assuage the feeling of suspicion that the integrity of the records and incriminating documents would be compromised since they will continue to have access to the files of the office”.
Ulat ni Meanne Corvera