Mga miyembro ng media umalma sa alegasyon ni Andanar na nasuhulan ng $1,000 kapalit ng coverage kay SPO3 Lascanas

 

 

andanar

Kinondena ng mga miyembro ng media sa senado si Presidential Communications Secretary Martin Andanar.

Ito’y matapos akusahan ni Andanar ang mga miyembro ng media na umanoy tumanggap ng one thousand dollars ( $1,000) kapalit ng umanoy pag cover sa pressconference ng Free Legal Assistance Group o FLAG kung saan iniharap ang isa sa mga lider ng Davao Death Squad na si SPO3 Arturo Lascanas.

Hamon ng media kay Andanar, pangalanan ang kaniyang source at tukuyinang mga kagawad ng media na tumanggap ng bayad.

Dismayado ang mga taga Media dahil mababaw at walang saysay ang naging tugon ni Andanar atsisihin pa ang media sa halip na sagutin ang tunay na isyu o ang pagkakasangkot ng ni Pangulong Duterte sa mga alegasyon ng pagpatay.

Divertionary tactics lang din ito ng palasyo para ilihis ang tunay na isyu.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us: