Mga miyembro ng PDP-Laban na nasa drug list hindi papayagang kumandidato sa 2019

Hindi papayagang tumakbo ng PDP-Laban ang mga kandidato o miyembro nito na nasa drug lists ng Philippine Drug Enforcement agency (PDEA).

Ito ang tiniyak ni PDP-Laban President at Senador Aquilino “Koko” Pimentel sa rekomendasyon ng DILG na idisqualify ang mga kandidatong nasa Narco list.

Pero nilinaw ni Pimentel na ang hindi nila isasama sa listahan ay mga
kandidato na mapapatunayan lamang at may ebidensya na dawit sila sa operasyon ng iligal na droga.

Katwiran ni Pimentel maaari kasing mabiktima lang ang ibang kandidato ng paninira ng ilang pulitiko lalu’t normal na kalakaran na ito kapag eleksyon.

Sa ngayon may nakatalaga na aniyang Executive committee na nagrerepaso ng membership application ng mga taga -PDP para matiyak na malilinis ang kanilang mga kandidato kapag naghain na ng kanilang Certificate of Candidacy.

Una rito, sinabi ng DILG na mayroong 93 local officials ang nasa Narco list kung saan 58 dito ay mga alkalde.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *