Mga motorcycle riders hindi dapat mabahala sa implementasyon ng motorcyle crime prevention law- Sen. Gordon
Tiniyak ni Senador Richard Gordon na hindi magdudulot ng panganib sa mga motorista ang Republic Act 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act.
Sa harap ito ng pangamba ng mga riders at babala ng mga manufacturers na prone umano sa mga aksidente kung lalagyan ng malalaking plaka ang harap at likod ng motorsiklo batay sa itinatakda ng batas.
Ayon kay Gordon, isa sa author ng batas, sa simula pa lamang ng pagbalangkas napagkasunduan na maaaring ilagay ay sticker, decal o vinyl sa harapan ng motorsiklo.
Ito’y para hindi makasagabal sa pagliko o pagmamaniobra ng motor.
Bukod dito fontsize lang ang lalakihan sa plaka sa likod at babawasan ang mga letra para madali itong matandaan ng publiko o mga enforcers.
Pagtiyak ng Senador. sa proteksyon ito sa mga may ari dahil madali nang matutukoy kung nakaw o ginamit sa krimen ang motorsiklo.
Batay kasi sa report ng PNP Highway Patrol group umaabot sa 150 ang nawawalang motorsiklo kada linggo lalo na sa Metro Manila.
Ulat ni Meanne Corvera