Mga motorista unti-unti nang dumadagsa sa NLEX
Nagsimula nang dumagsa sa North Luzon Expressway (NLEX) ang mga motorista na nagbakasyon sa Norte nitong nakaraang mahabang bakasyon.
Sinabi ni Robin Ignacio, NLEX senior traffic manager, na wala pang naitalang problema sa NLEX at maituturing na normal pa rin ang daloy ng trapiko.
Ayon kay Ignacio, nagkakaroon lamang ng pagbagal ng daloy ng trapiko sa Bocaue exit sa cash booth samantalang sa mga RFID booth ay mabilis ang daloy ng mga sasakyan.
Inaasahan ngayong Lunes ng hapon pa dadagsa ang mga motorista na babalik sa Metro Manila.
Inihayag ni Ignacio batay sa monitoring ng NLEX umabot sa mahigit 400,000 na mga sasakyan ang nag-exit sa NLEX noong Miyerkules papunta sa ibat-ibang probinsiya sa Northern Luzon para magbakasyon.
Vic Somintac