Mga nabakunahan kontra COVID sa CALABARZON, nasa 8.1M katao na
Lagpas na sa 8.1 milyong katao sa CALABARZON ang naturukan laban sa COVID-19.
Sa pinakahuling datos ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 8,143,180 indibiduwal sa rehiyon ang nakatanggap ng una at ikalawang dose ng COVID vaccines.
Mahigit 3.62 milyon sa mga ito ay fully-vaccinated habang nasa 4.51 milyon ang nabakunahan na ng unang dose.
Kabilang sa mga naturukan na ang rest of adult population sa Region IV-A kung saan 73,400 ang partially vaccinated habang 3,011 ang nakakumpleto na ng bakuna.
Umaabot naman sa mahigit 11.11 milyong doses ng anti-COVID vaccines ang natatanggap ng rehiyon mula sa nasyonal na pamahalaan.
Moira Encina