Mga nabakunahan laban sa COVID-19 sa CALABARZON, mahigit 5.53M katao na
Kabuuang 5,537,096 indibiduwal na ang naturukan laban sa COVID-19 sa CALABARZON.
Sa datos ng DOH CALABARZON, mula sa nasabing bilang ay nasa 3.26 milyon katao ang nabakunahan ng unang dose sa rehiyon.
Halos 2.27 milyon indibiduwal naman ang fully-vaccinated na katumbas ng 20% ng target population sa Region IV-A para makamit ang herd immunity.
Ang mga kabilang sa A4 o economic frontliners ang pinakamarami sa partially vaccinated na 1.36 milyon.
Pero, ang mga nasa A3 o persons with comorbidities ang pinakamarami sa nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID na 673,551.
Ang Cavite naman ang lalawigan sa rehiyon na may pinakamaraming fully-vaccinated na 672,013 o 22% ng target population nito.
Moira Encina