Mga nabakunahan na ng Covid 19 Vaccine sa Calabarzon umabot na sa mahigit 150 libo
Umabot na sa 157,256 ang bilang ng mga indibidwal sa Calabarzon ang nakatanggap na ng 1st dose ng Covid 19 Vaccine.
Ayon sa DOH Region 4a, 84,347 ang nabakunahan ng Sinovac, habang 72,909 naman ang nakatanggap AstraZeneca Vaccine.
Umabot naman sa 9,218 indibidwal ang nakakumpleto na ng dalawang-dose ng bakuna.
Sa hanay naman na kabilang sa priority list, Ang A1,103,303 ang nakatanggap ng first dose at 8,885 ang nabigyan naman ng second dose.
Ang mga nasa A2 priority list, o mga senior citizen ay 26,854 ang nakatanggap ng first dose at 62 ang nabigyan ng second dose.
Ang mga kabilang naman sa A3 priority list ay 27,099 ang nabigyan ng first dose at 271 naman ang nakatanggap na ng second dose.
Ayon kay DOH region 4a director, Dr. Eduardo Janairo, bukod sa pagbabakuna sa mga itinalagang vaccination sites, nagbabahay-bahay din aniya ang mga medical worker kasama ang mga vaccination teams ng DOH sa rehiyon para mabakunahan ang mga residenteng may kapansanan o ang mga persons with comorbidity at mga senior citizen na hindi makaalis ng bahay.
Sa kabila ng nagpapatuloy n vaccination rollout sa rehiyon ay patuloy naman ang pagpapaalala ng mga opisyal ng DOH Calabarzon sa publiko na manatiling nag-iingat at sumunod sa health and safety protocols upang maiwasan ang pagkalat pang COVID-19.