Mga nabakunahan ng anti- COVID vaccines sa CALABARZON, mahigit 1-M na
Lagpas na sa isang milyon ang nabakunahan kontra COVID-19 sa CALABARZON.
Sa pinakahuling tala ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 1,000,032 ang naturukan ng anti- COVID vaccines sa rehiyon.
Ang mga ito ay kabilang mula sa A1 hanggang A5 vaccine priority groups.
Mula sa nasabing bilang, nasa 257,000 ang fully vaccinated habang ang mahigit 742,000 ay nakatanggap pa lang ng unang dose ng bakuna laban sa COVID.
Pinakamarami sa mga naturukan sa rehiyon ay ang mga senior citizens na 392,797.
Samantala, umaabot na sa mahigit 1.57 milyon ang alokasyon ng anti-COVID vaccines sa Region IV-A.
Moira Encina