Mga nabakunahan sa Mandaluyong city umabot na sa mahigit 21 libo
Naturukan na ng second dose ng COVID vaccine si Mandaluyong Mayor Menchie Abalos.
Sinabi ng alkalde na wala naman syang naramdaman anumang adverse effect at naniniwala syang magkakaroon ng dagdag na proteksyon laban sa COVID- 19.
Ayon sa alkalde, tuloy tuloy naman ang pagtuturok nila ng bakuna sa mga medical frontliners, mga senior citizens at may comorbidity.
Katunayan, umaabot na sa mahigit Dalawamput isang libong taga mandaluyong ang nabakunahan na.
Plano aniya nila ngayong mag dagdag pa ng vaccination site para pabilisin pa ang pagtuturok ng bakuna.
Pero ang problema ayon kay Abalos ubos na ang suplay na ibinigay ng gobyerno para sa first dose at second dose na lang ang kanilang itinuturok sa mga residente.
Bumili na raw sila ng tatlong malalaking freezer bilang paghahanda naman sa pagtuturok ng bakuna na Sputnik v.
Meanne Corvera