Mga nagkakasakit na evacuees sa Albay, mahigit 6,000 na
Mahigit anim na libong evacuees na sa Albay ang nagkakasakit na karamihan ay dumaranas ng Acute respiratory infection dahil sa ashfall mula sa Bulkang Mayon.
Sa pinakahuling tala ng Department of Healtho DOH, 6,587 ang nagpakonsulta mula Enero 15 hanggang Pebrero 6, 2018.
4,350 o 66-percent sa mga ito ang mayroong Acute Respiratory Infection habang walong daan at animnaput dalawa ang nilagnat, 557 ang dumanas ng Alta-presyon, 345 ang nagkaroon ng Diarrhea at 290 ang nagkasugat.
Kaugnay nito patuloy ang paalala ng DOH sa mga residente na malapit sa bulkan na magsuot ng face mask.
Ulat ni Moira Encina
=== end ===
Please follow and like us: