Mga nagkaroon ng tigdas, lumobo nang halos 300 porsyento
Tumaas ang bilang ng nagkaroon ng tigdas sa unang quarter ng 2018.
Sinabi ng Department of Health o DOH, nakapagtala sila ng 2,427 na nagkaroon ng tigdas simula Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon.
Mas mataas ito ng 294 percent kumpara sa 616 na kaso noong nakalipas na taon sa kaparehong buwan.
Sa nasabing bilang, walo na ang naitalang namatay mula sa Davao region.
Pinakamarami namang nagkaroon ng sakit na tigdas na umabot ng 122 ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
Nauna rito, nagdeklara na Measles outbreak ang kagawaran sa ilang lungsod at bayan sa Negros Oriental, isang barangay sa Taguig, Zamboanga city at Davao City.
==============