Mga nagma-may-ari ng mga ninakaw na cellphone sa Maynila, maaari nang mag-claim sa tanggapan ng Special Mayor’s Reaction Team (SMART)
Matapos maiturn-over sa kanilang tanggapan ang mga nakaw na cellphone sa Maynila, sinabi ni Major Risalino “Jhun” Ibay Jr., hepe ng Special Mayor’s Reaction Team (SMART) na maaari nang i-claim ng mga nagmamay-ari ang kanilang mga cellphone.
Kailangan lamang ay may maiprisintang mga dokumento o purchase o kahit box lamang ng cellphone na may nakalagay na serial number.
Ito ay upang mapatunayang kaniya talaga ang ninakaw na cellphone.
Sinabi pa ni Ibay na maliban sa pag-claim ng mga nakaw na cellphones, maaari ring idulog sa kanilang tanggapan ang iba pang mga reklamo gaya ng pangongotong at iba pang iligal na gawain sa lunsod sa tulong ng Manila Police District (MPD).
Sa ilalim ng MPD, ang SMART ang binuo ni Mayor Isko Moreno, ilang buwan pa lamang ang nakalilipas upang tumugon sa mga reklamo gaya ng mga nakaw na gadgets.
“Bina-validate naman natin lahat ng sumbong o anumang complaint na pwede nating imbestigahan. Buong institusyon na ng lahat ng mga engaged sa buy and sell ng mga cellphones, mga second-hand cellphones ay sila na mismo ang umaaresto at dinadala sa tanggapan ng SMART”.