Mga nagpa-enroll para sa SY 2022-2023 umabot na sa higit 14 million
Tuloy-tuloy ang pagtanggap ng Department of Education (DepEd) ng mga nais ipa-enroll ang kanilang mga anak sa lahat ng mga pampublikong paaralan para sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto.
Batay sa huling datos mula sa learner information system, umabot na sa kabuuang 14,284,778 ang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral mula nitong Hulyo 25 .
Pinakamarami na ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 2,116,809, sinundan ng NCR na nasa 1,734,621, at Region 3 na may 1,422,838.
Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Agosto 22, 2022.
Paalala ng DepEd na may tatlong pamamaraan sa pagpapa-enroll at ito ay sa pamamagitan ng in-person, remote, at drop box enrollment habang ang alternative learning system learners ay maaari na ring magpatala nang in-person o digital.