Mga nagsasabing umamin si Pangulong Duterte sa kaso ng EJK, binuweltahan ng Malakanyang

 

 

Binira ng Malakanyang ang mga grupong nagsasabing umamin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kasalanan sa mga kaso ng Extra Judicial Killings o EJK.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na mali ang interpretasyon ng mga kalaban ng Pangulo sa konteksto ng kanyang pahayag na ang kanyang tanging kasalanan ay EJK.

Ayon kay Roque malinaw ang ibig sabihin ng Pangulo na ang kanyang mga kalaban ay walang maibutas sa isyu ng korapsyon at ang tanging ikinakabit sa kanya ay ang isyu ng EJK na hindi naman napatutunayan.

Inihayag ni Roque maging ang sinasabi ng mga kalaban ng Pangulo na magagamit na ebidensiya sa International Criminal Court o ICC ang pahayag ng Pangulo at sa impeachment ay mali at insulto ito sa lahat ng abogado at hukom sa bansa.

Iginiit ni Roque hindi puwedeng manghimasok ang ICC sa Pilipinas dahil gumagana ang Judicial system sa bansa.

Idinagdag pa ni Roque na nakakaaliw ang mga kritiko ng Pangulo na naglalayong mapatalsik siya sa puwesto.

Naniniwala si Roque na malabo ring ma-impeach ang Pangulo dahil wala itong ginawang labag sa batas.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *