Mga nagsasamantala sa presyo ng mga prime commodities, huhulihin na ng DTI

 

 

Huhulihin na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga nagpapataw ng mas mataas na presyo sa mga basic commodities lalu na sa mga seasonal products.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, October 8 pa nila inilabas ang Suggested retail price (SRP) sa mga manok at baboy at kamakailan ay inilabas na rin nila ang srp para naman sa iba pang mga produktong karaniwang binibili tuwing holiday season.

Inaasahan nilang magiging katuwang o makakatulong ng DTI sa panghuhuli at pagbabantay sa mga nananamantala sa presyo ay mga Local Government Units (LGU’s) at mga market administrators.

Sakaling mahuhuli sa overpricing, patitigilan sila sa pagtitinda hangga’t hindi nasasagot ang notice of violation mula sa DTI.

Hindi sila pwedeng magtinda, ipapa-hold natin yan sa LGU hangga’t hindi nila nasasagot ang notice of violation galing sa DTI.  Doon na sila magpapaliwanag sa Trade and Enforcement Bureau.”.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *