Mga nagsasamantalang negosyante sa TRAIN Law, binabalaan ng Malakanyang
Sinabihan ng Malakanyang ang mga negosyante na nagsasamantala gamit ang Tax Reform and Inclusion o TRAIN Law.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na maaaring managot sa batas ang mga tiwaling negosyante sa bansa.
Ginawa ni Roque ang pahayag dahil sa reklamont ng taumbayan sa taas ng mga bilihin.
Ayon kay Roque totoong may epekto sa presyo ng mga bilihin ang Train law dahil sa kaakibat na excise tax.
Inihayag ni Roque ang problema sinasamantala ng mga tiwaling negosyante ang Train law kaya labis ang presyo ng mga bilihin.
Iginiit ni Roque na dapat sundin ng mga negosyante ang suggested retail price o SRP na ipinatutupad ng Department of Trade and Industry o DTI.
Ulat ni Vic Somintac