Mga nagsusulong ng Revolutionary government maaaring kasuhan ng Inciting to Sedition
Nagbabala si Senador Joel Villanueva na maaring makasuhan ng Inciting to Sedition ang mga taga-suporta ng administrasyon na nagsusulong ng Revolutionary government.
Tutol si Villanueva sa panukala dahil mapanganib ang Revolutionary Government sa ilalim ng Revised Penal code.
Tinukoy ng Senador ang Article 142 kung saan nakasaad na dapat kasuhan ang sinumang nagsusulong ng Revolutionary government.
Senador Joel Villanueva:
“This call for a revolutionary government is dangerous and amounts to inciting to sedition under the revised penal code. This is an illegal act and the government should ensure that the perpetrators are charged”.
Hindi rin pabor sina Senador Nancy Binay at Sonny Angara sa panukala at iginiit na hindi ito solusyon sa problema ng katiwalian at Covid-19 Pandemic.
Sa panukala ng grupo ang Revolutionary Government ay isa umanong panandaliang extra-ordinary power na magagamit ng Pangulo para linisin at palitan ang anila’y corrupt at bulok na political system upang muling buuin ang mga institusyon, pabilisin ang justice system at delivery ng mga serbisyo sa mamamayan.
Ulat ni Meanne Corvera