Mga nakatira sa isang bayan sa California, na tahanan ng British royals inutusang lumikas dahil sa panganib ng pagguho ng putik
Inatasang lumikas ang mga residente sa isang bayan sa California na tinitirhan din ni Prince Harry at asawang si Meghan Markle, kung saan nagbabala ang mga bumbero na maaaring lamunin ng mudslide ang mga tahanan doon.
Ang Montecito, isang bayan na may humigit-kumulang 9,000 katao na paborito rin ng American entertainment royalty tulad nina Oprah Winfrey at Jennifer Aniston, ay inaasahang makararanas ng hanggang walong pulgada (20 sentimetro) ng ulan sa loob ng 24 na oras.
Sinabi ng emergency authorities sa bayan, na 90-minuto ang layo mula sa Los Angeles, na sinumang nasa lugar ay dapat nang umalis.
Nakasaad sa pahayag sa website ng isang fire department, “LEAVE NOW! This is a rapidly evolving situation. Pleaes pay close attention to emergency alerts.”
Sinabi ng isang mamamahayg, na nagset-up na rin ng roadblocks ang pulisya upang mapigilan ang mga tao na pumasok pa sa bayan, kung saan ilang kalsada na ang binaha.
Ang Montecito, na ang multi-milyong dolyar na mga ari-arian ay matatagpuan sa makapigil-hiningang kanayunan ng California, ay partikular na lantad sa pagguho ng putik dahil ito ay nasa paanan ng isang bulubundukin na pininsala ng sunog limang taon na ang nakakaraan.
Daan-daang milya kuwadrado (kilometro) ng lupa ang nasunog noong 2017 at 2018, sanhi upang mabawasan ang mga halaman sa gilid ng mga burol na siya namang nakatutulong upang mapanatiling matatag ang lupa.
Ayon sa tweet ng Montecito Fire Department, “Over the last 30 days, Montecito has received 12-20+ inches of rain across the community, exceeding our yearly average of 17 inches. This cumulative, saturating rain puts the community at greater risk of flooding and debris flow.”
Sa kaniya namang video post sa Twitter ay sinabi ng dating talk show host na si Ellen DeGeneres, “This is crazy. It’s probably about nine feet up, and it’s going to go another two feet.”
Ang bayan ay tahanan din ng ilan pang high-profile entertainers, gaya ni Gwyneth Paltrow, Katy Perry, Rob Lowe at Larry David.
Hindi naman tumugon ang tagapagsalita para sa Duke at Dukesa ng Sussex nang hingan ng komento.
Ang evacuation order sa Montecito ay dumating habang ang California ay hinahampas ng pinakahuling bugso ng mga bagyo na ikinasawi na ng 12 katao.
Ayon sa National Weather Service (NWS), “Two major episodes of heavy rain and heavy mountain snow are expected to impact California in quick succession during the next couple of days in association with two of the more energetic and moisture-laden parade of cyclones that are aiming directly for the state. Up to five inches of rain could fall throughout Monday in coastal regions of central California.”
Nitong nakalipas na Linggo ay nagdeklara si Governor Gavin Newsom ng isang state of emergency, at nitong Linggo ay pinayagang magkaroon ng isang presidential emergency declaration.
Sinasabi ng mga siyentipiko na ang human-caused climate change, na dulot ng hindi mapigilang pagsunog ng fossil fuels, ay nagpapataas sa insidente ng “wild swings” sa panahon, na ginagawang mas malala ang tagtuyot at mas matindi ang pag-ulan.
© Agence France-Presse