Mga namatay dahil sa Leptospirosis ngayong taon, umabot na sa 93 – DOH

Umaabot na sa mahigit siyamnapu ang bilang ng mga namatay dahil sa leptospirosis mula Enero hanggang noong ika-9 ng Hunyo.

Batay sa naitala ng Department of Health, kabuuang 93 ang nasawi dahil sa Leptospirosis.

Hindi pa kasama sa nasabing bilang ang anim na pasyenteng nasawi dahil sa sakit sa National Kidney Transplant Institute sa loob  ng linggong ito.

mula January 1 hanggang June 9 ng 2018, umaabot naman na sa kabuuang 1,030 ang kaso ng leptospirosis na naitala ng DOH.

Karamihan sa mga tinamaan ng sakit ay  mga lalaki at karamihan ay mula sa Western Visayas, Caraga at Davao Region.

Ang leptospirosis ay isang uri ng bacterial infection na mula sa ihi ng apektadong hayop gaya ng daga.

Naililipat ang bacteria sa tao sa pamamagitan ng paglusong sa baha o pagkain o pag-inom ng tubig na kontaminado ng bacteria.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *