Mga nanalong Partylist groups, target maiproklama sa susunod na linggo
Target ng Commission on Elections na maiproklama na rin ang mga nanalong partylist group sa susunod na linggo.
Nitong Huwebes sana unang itinakda ang proklamasyon para sa mga may guaranteed seat na pero hindi natuloy dahil nagdesisyon ang poll body na hintayin muna ang resulta ng special election sa bayan ng Tuburan sa Lanao del sur.
Ang certificate of canvass nalang mula sa lanao del sur ang hindi pa nabibilang ng national board of canvassers.
Ayon kay Comelec Spokesperson Atty.Jjohn Rex Laudiangco, nasa mahigit 685,000 boto ang manggagaling sa nasabing probinsya.
Titingnan din aniya nila kung walang magiging epekto sa ranking ng partylist ang hindi parin nasuspindeng halalan sa Shanghai, China.
Sa ngayon, pinag- aaralan rin aniya ng Comelec kung makakaapekto pa sa ranking ang nasuspindeng botohan sa Shanghai China dahil sa COVID- 19 situation roon.
Nasa 1,191 votes aniya ang magmumula sa shanghai.
Batay sa canvass report ng NBOC hanggang noong May 17, kabilang sa top 10 partylist groups ay ang Act CIS, 1 Rider Partylist, Tingog, 4P’s, Ako Bicol, Sagip, Ang Probinsyano, USEAG ilonggo, Tutok to win at Cibac.
Sa mga ito, ang Act CIS, 1 Rider Partylist, Tingog, 4P’s, Ako Bicol at Sagip palang ang may guaranteed seat o nakakuha na ng mahigit dalawang porsyento ng Partylist votes.
Madelyn Villar – Moratillo