Mga nangyaring glitches sa makina, pinaiimbestigahan na sa Senado
Pinatitigil na ni Senate President Vicente Sotto ang paggamit ng mga makina mula sa Smartmatic.
Sa harap ito ng sangkatutak na reklamo sa pagpalpak at pagkasira ng mga vote counting machine sa katatapos na eleksyon.
“Its about time we stop using smartmatic”.
Ang smartmatic ang nagsuplay ng mga VCM kahapon at tatlong eleksyon sa bansa.
Nais naman ni Senador Aquilino Pimentel na paimbestigahan sa senado ang mga nangyaring technical problem at mga glitches.
Sinabi ni Senador at PDP LABAN President Aquilino Pimentel na siya ring tumatayong chairman ng senate committee on electoral reforms na hindi katanggap tanggap na mas maraming pumalpak na makina ngayong eleksyon.
Bakit patuloy aniyang nagkakaroon ng glitches gayong ito na ang ikapaat na pagkakataon na automated ang eleksyon sa Pilipinas.
Ulat ni Meanne Corvera