Mga nasa likod ng martial law at lockdown fake news sa social media, tinutunton na ng NBI
Sinimulan na ng NBI na tuntunin ang mga may pakana ng pekeng impormasyon sa social media ukol sa pagdideklara ng batas militar at total lockdown dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.
Kaugnay ito sa voice clips na kumalat sa Facebook Messenger na nagsasabing mag-stock up na ng mga pagkain at iba pang suplay sakaling magdeklara ng martial law ang pangulo.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, aarestuhin din ng NBI ang mga may pakana ng voice clips.
Kabilang aniya sa isasampang kaso laban sa mga ito ay paglabag sa Revised Penal Code.
Partikular na ang unlawful use of publication and unlawful utterances in relation to the Cybercrime law.
Hinimok ng kalihim ang netizens na itigil ang pag-share ng mga voice clips upang maiwasan ang alarma, panic buying, at hoarding ng essential goods.
Moira Encina