Mga nasisitang violators sa no vax, no ride policy nabawasan na
Nabawasan na ang bilang ng mga nasisita sa “no vaccination, no ride” policy sa Metro Manila.
Batay sa datos ng InterAgency Council for Traffic (I-ACT), mula sa dating 106 violators noong Enero 17 ay bumaba ito sa 102 sa sumunod na araw at makalipas ang 2 araw pa ay naging 34 at noong Biyernes ay walo na lamang.
Sinabi ni Phil. National Police (PNP) chief General Dionardo Carlos, na ikinatuwa nila na araw-araw ay paunti nang paunti ang mga nasisita na ang ibig sabihin ay mabilis na nakapag-adjust ang publiko sa polisiyang ipinatutupad ng pamahalaan, na ang layunin ay mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Pinaalalahanan din ni Carlos ang mga tauhan ng PNP, na pairalin ang maximum tolerance sa pagsita.
Kaugnay ito ng nag-viral na video ng babaeng tinalakan ang isang pulis nang hindi siya payagang makasakay dahil walang maipakitang vaccination card.
Ayon sa opisyal . . . “We commend the impressive behavior displayed by our personnel. It was grace under pressure. May we also ask the public not to blame our personnel as they are only fulfilling their mandate.”