Mga natitirang Maute-ISIS group, hindi papayagan ng Malakanyang na maging hadlang sa rehabilitasyon ng Marawi


Kinumpirma ng Malakanyang na mayroon pa ring natitirang miyembro ng Maute-ISIS group na gustong manggulo sa isinasagawang rehabilitasyon ng Marawi City.

Ayon kay Task force Bangon Marawi chairman Eduardo del Rosario na bagamat ang latak ng Maute-ISIS group ay wala na sa loob ng Marawi City, nakakalat naman ang mga ito sa ilang bayan sa lalawigan ng Lanao Del Sur.

Ayon kay Del Rosario, patuloy na nagsasagawa ng recruitment ang remnants ng Maute-ISIS group.

Inihayag ni Del Rosario na mahigpit na tinututukan ng militar ang galaw ng mga natitirang miyembro ng Maute Isis group.

Idinagdag ni Del Rosario na maganda ang ginagawa ng mga residente ng Lanao del Sur dahil sila na mismo ang nagbibigay ng impormasyon sa mga otoridad hinggil sa galaw ng remnants ng Maute-Isis group.

 

Ulat ni Vic Somintac

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *