Mga negosyo at pagawaan, hindi maaapektuhan ng bagong alerl level system ng lockdown
Tiwala si Dept. of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, na hindi maaapektuhan ng granular lockdowns ang operasyon ng mga establisimyento at pagawaan, sa bagong alert level system sa Metro Manila.
Tugon ito ng kalihim sa pangamba ng business leaders na baka labis na maapektuhan ang kanilang operasyon ng bagong sistema ng alert level.
Ayon kay Lopez, maliit na bahagi lamang ang lugar na sakop ng lockdown hindi gaya ng dati na regional ang pagpapatupad dito.
Paliwanag ng opisyal, maaaring isa o dalawang bahay lamang, ni hindi nga aniya isang buong kalsada kayat hindi dapat mag-alala na maraming mga manggagawa ang mala-lockdown. Minimal lamang aniya ang magiging epekto nito sa ekonomiya.
Dagdag pa ni Lopez, hindi ipatutupad sa mga pagawaan at mga establisimyento ang lockdown, kaya hindi maaapektuhan ang kanilang operasyon.