Mga OFW na manggagaling sa mga bansang kasama sa “green list,” hindi na kailangang mag-quarantine
Hindi na sasailalim sa quarantine ang overseas filipino workers (OFW), na manggagaling sa mga bansang nasa “green list.”
Ayon sa Overseas Workers Welfate Administration (OWWA), kailangan na lamang nilang magpakita ng negatibong RT-PCR test na ginawa sa loob ng 72 oras bago sila umalis sa bansang kanilang pinanggalingan, o di kaya naman ay sumailalim sa RT-PCR test paglapag nila sa Pilipinas.
Sinabi naman ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, na rerepasuhin nila ang talaan ng mga bansang nasa “green list” bago ang December holiday, para sa mga OFW na nagpaplanong umuwi ng bansa.
Please follow and like us: