Mga OfW na may deployment na kabilang na rin sa A1 na prayoridad mabakunahan
Kabilang na rin sa A1 priority group ang mga Overseas Filipino Workers na mayroon ng deployment o kontrata.
Dahil rito, ayon kay Testing Czar Secretary Vince Dizon, pwede naring gamitin sa kanila ang mga donasyong bakuna mula sa Covax facility.
Para sa mga OFW, land o sea based, kailangang aniyang dalhin sa pagpunta sa kahit saang vaccination site ang mga dokumento na sila ay paalis na sa loob ng 4 na buwan upang sila ay mabakunahan.
Kasabay nito, binigyang diin ni Dizon na ang pagsama sa kanila sa A1 ay hindi naman paglabag sa kondisyon ng Covax na sa vulnerable population lamang gamitin ang mga donasyon nilang bakuna.
Nananatili parin naman aniya nilang prayoridad ang mga nasa A1 hanggang A3 o mga medical frontliner, senior citizen at person with commorbidity.
Ang mahalaga aniya ay mabigyan ng bakuna ang mga nangangailangan na sya rin namang layunin ng Covax.
Madz Moratillo