Mga OFW na nakabalik ng Pilipinas bunsod ng gulo sa Gitnang Silangan, umabot na sa 2,245

Courtesy: DMW

Kabuuang 2,245 OFWs mula sa Israel, Lebanon, Gaza, at West Bank ang nakauwi na sa Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation program ng pamahalaan mula noong isang taon dahil sa giyera sa nasabing rehiyon.

Courtesy: DMW

Sa pinakahuling tala ng Department of Migrant Workers (DMW) noong November 24, ang mga OFW na nakabalik sa bansa ay umabot na sa 1,046 mula sa Israel; 1,091 mula sa Lebanon; anim mula sa West Bank; at dalawa mula sa Gaza.

Courtesy: DMW

Ang pinakahuling dumating ay ang ika-91 batch ng mga OFW mula sa Lebanon noong Linggo, na 75 na may kasamang 52 dependents.

Courtesy: DMW

Sa ngayon ay wala pang abiso ang DMW kung kailan ang dating at ilan ang susunod na batch ng OFWs na uuwi sa bansa mula sa mga nasabing lugar.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *