Mga OFW na natulungang makauwi ng bansa ngayong Pandemya, umabot na sa halos 600,000
Pumalo na sa kabuuang 591,063 manggagawang Pinoy ang nakauwi na sa bansa simula noong March 2020 hanggang ngayong June 2021.
Batay sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang mga Overseas Filipino Worker na ito ay mga naapektuhan ang trabaho dahil sa Pandemya.
Ngayong taon, nasa 109,354 Returning OFW ang nakauwi na sa kani-kanilang mga probinsiya karagdagan ito sa 391,709 noong nakalipas na taon.
Ang repatriation program ay sa pagtutulungan ng Department of Labor and Employment, Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, Department of Transportation, Department of Foreign Affairs, Department of Interior and Local Government, Department of National Defense, at Department of Health.