Mga Oil Firm Executives ipapatawag ng Kamara kaugnay sa pag-amyenda ng Kongreso sa Oil Deregulation Law
Dahil sa walang tigil na pagtataas ng mga produktong petrolyo sa bansa ipapatawag ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso ang mga Oil Firm Executives.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na sa panahon ng problema na nakaka-apekto sa pamumuhay ng publiko kailangang kausapin na ang mga stakeholders na kinabibilangan ng mga nasa industriya ng langis para makahanap ng tamang solusyon.
Ayon sa Kamara panahon ng repasuhin at amyendahan ang Oil Deregulation Law na nagtatali sa kamay mismo ng gobyerno para mapababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Naniniwala ang liderato ng Kamara na bagamat nasa dikta ng mga oil producing countries at Wolrd Market ang presyuhan ng krudo mayroong magagawa ang gobyerno kung papaano maiibsan ang pasan ng taongbayan dulot ng pataas ng pataas na halaga ng mga produktong petrolyo sa bansa dahil sa pagsasamantala ng mga nasa oil industry.
“The government is not insensitive to the sentiments of our people, especially since this carries a domino effect on all products in the market.
We all know that once the prices of oil rise, everything else shoots up – except the wages and salaries of our workers.
The high prices of the oil per barrel in the World Market, which has been dictating on rates in the domestic supply, aside from the Oil Deregulation Law that tied government’s hands.
It is common knowledge that oil companies still sell supplies bought at lower prices before the costs of crude oil in the World Market increased.
This is one of our problems, the Oil Deregulation Law that contributed to the high prices of petroleum. It ties our hands.
We want to hear from the Oil Firm Executives what can they do to help in this kind of situation, because
in times of economic hardship, all stakeholders must find solutions to alleviate the plight of the people, including oil companies.
The review of pending bills amending the Oil Deregulation Law as a necessary step towards bringing down the prices of oil is timely.” pahayag ni House Speaker Martin Romualdez
Vic Somintac