Mga opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration na sangkot sa Pastillas scandal, pinakain ng pera ni Pangulong Duterte
Ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang ang 40 opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration na sangkot sa Pastillas scandal.
Pinagalitan ng husto ni Pangulong Duterte ang mga tauhan at opisyal ng Immigration na sangkot sa pastillas scandal na nagpapasok ng mga Chinese nationals sa bansa kahit walang sapat na dokumento.
Sa photo release ng Malakanyang may mga nakalagay na nakarolyong papel na kamukha ng pastillas sa mga upuan ng mga ipinatawag na Immigration personnels at officials.
Una rito sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ipinakain ni Pangulong Duterte ang mga pastillas na nasa upuan.
Ayon kay Guevarra hindi totoong pastillas ang mga nasa upuan kundi perang nakarolyo.
Bukod kay Guevarra kasama ng Pangulo sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Senador Bong Go na humarap sa mga tauhan at opisyal ng Immigration.
Vic Somintac